March 14, 2008, 12:40 pm
Filed under: Uncategorized | Tags: mcarthur highway, motorsiklo, pampanga, road trip, speed
Filed under: Uncategorized | Tags: mcarthur highway, motorsiklo, pampanga, road trip, speed
0 Comments

Pumasyal kami nina S at M sa latian ng Candaba para bisitahin ang nandarayuhang mga ibon. Pinahagibis ako ni S sa haywey ng McArthur. Kaybilis ko. Mahigpit ang pagyakap ni M kay S. Ang saya ng road trip! Malawak ang daan at walang trapik, di katulad sa Kamaynilaan. Tinahak namin ang lungsod ng Malolos patungong Apalit, San Simon, Mexico, at Sta. Ana. Huminto kami sa ilang tindahan at paradahan ng traysikel para magtanung-tanung ng direksiyon. Dumating kami sa malawak na kabukiran ng Barangay Doña Simang. Maulap kaya di nakakapaso ang araw. At sa wakas, nakita namin ang mga nandarayuhang mga ibon.